Sa kabila ng ulap ang ating Problema
"Ang Dakilang Pangako ng Diyos"
1. Siguro ang pinaka-nakakagilagilalas na kwento ng naisulat sa kasaysayan ay
ang pangako na ginawa ng Diyos na manlalalang ng lahat ng bagay an siyang
nagsasabing gagawin ang lahat ng bagay na bago. Gagawa nga siya ng bagong langit
at bagong lupa.
2. Mayroon nga ba kayong nalalaman na kung ano ng nangyayari sa ating mundo
ngayun? Ang mga gyera, pag aaway away, taggutom, kaguluhan, patayan - na di na
napipigilan na laganap na sa buong lugar. Nakikita nyo ba ang mga bansa na
nangasisira, mga sirang tahanan, mga sirang pagsasama ng mga mag aasawa, mga
batang walang tahanan, tag gutom at marami pang ibang kasiraan; makinig nga
kayo:
3. "NAIS NG DIYOS NA GAWING BAGO ANG LAHAT NG BAGAY. ANG BAGONG LANGIT AT BAGONG
LUPA AY DUON AY WALA NG PROBLEMA NG KAHIT ANUMAN, WALA NG PAGTANGIS, WALA NG
PATAYAN, WALA NG SAKIT, O KAMATAYAN MAN, WALA NA RING KAHIRAPAN AT MARALITA,
MAWAWALA NA ANG GALIT AT KALUNGKUTAN. ITO AY MAGIGING ISANG LUGAR NA ANG LAHAT
AY MAGKAKAROON NG TAHANAN AT LAHAT AY DI NA MAGUGUTOM. LAHAT NGA AY KALIGAYAHAN
MAGPAKAYLANMAN.
4. At sinabi nga ng Diyos "kanyang papahirin ang kanilang mga luha sa kanilang
mga mata; at doon wala ng pagtangis, kamatayan, kalungkutan at wala na ring
sakit."
5. Ang bawat isa ay inaanyayahan sa bagong lupa, datapwat hindi lahat ay
makakapunta roon. Sinasabi ko nga sainyo, na inyo nga magkakaroon ng
pagkakataong matamasa na makarating duon sa bagong lupa kung inyo ngang nanaisin.
At mayamaya aking sasabihin kung papaano. Sa ngayun samahan muna ninyo ako na
balik tanawin ang ginawang pangako ng Diyos.
6. Ating balikan ang nakalipas, noong bago pa man ginawa ng Diyos ang mundo -
ang malaking tunggalian ay nangyari sa lahat ng lugar sa kalangitan. Si Lucifer,
(na siyang pinuno ng mangangawit ng mga angeles), na nagpasimuno ng kaguluhan at
away ng mga angel sa langit. Si lucifer sampo ng kanyang mga taga suporta na
binubuo ng tatlong bahagi ng mga angel ay lahat siya ay itinapon mula sa langit.
7. Sapagkat ayaw ng Diyos na ang rebelyon ay mapunta sa mga tao, binigyan ng
Diyos sina Adam at Eva, ang ating unang mga magulang, ng simpleng pagsubok ng
kanilang katapatan. Para sa pagkain, maaari nilang kainin ang bunga ng puno ng
namumunga ng iba't ibang prutas, duon sa Halamanan ng Eden, maliban sa isang
puno - na iyon ang puno ng pagkaunawa ng mabuti at masama. Kung kanila ngang
kainin ito, makakasama nga sila sa rebelyon na ipinunla ni Lucifer at sila ay
mamamatay. Ito ay isang simpleng pagsubok ng kanilang katapatan at pagsunod.
8. pagkatapos dumating ang di makapaniwalang kwento. Si Lucifer nga na ngayon ay
Satanas, nagsalita kay Eva sa katauhan ng isang ahas, na nagpapanukalang
tuksuhin ito. "Diba sinasabi ng Diyos," pangungutya ni Satanas, "na kung iyong
kainin ang bungang ito ikaw daw ay mamamatay? Sinasabi ko sayo di ka mamamatay".
At napag isip isip ni Eva na di naman ito makakamatay at nakita niya na masarap
ang bungang ito kaya nga siya ay pumitas at sinuway ang utos ng Diyos at kinain
nga ito.
9. Nang naikalat na nga ng Diablo ang kaniyang kasamaan sa pamamagitan ng pag
suway ni Eva - at sumunod naman ay si Adam - kanya rin pinasama ng bawat tao na
nabubuhay sa balat ng lupa at sila ay nababalutan ng rebelyon. Ito ay
napakaseryoso at maraming masasalimoot na epekto na dala nito sa tao hanggang sa
ating kapanahonan sa ngayon - ang laganap na kasamaan, mga sakit na wala ng
lunas, mga kalamidad sa lahat ng dulo ng mundo at marami pang ibang kasamaan at
kasiraan - na ating nabanggit na.
10. Maaaring ipinagtanggol sana ng Diyos kung bakit pinayagan niyang magkasala
ang una nating mga magulang. Datapwat, SINABI NIYA SA KANILA NG GAGAWA SIYA NG
PARAAN UPANG SILA AY MALIGTAS AT DI MAPAHAMAK AT MAMATAY, DALA NG KASALANAN
GINAWA NILA SA PAGSUNOD KAY SATANAS. AT KANYA RIN SINABI NIYA NA AAKUIN NIYA ANG
ATING LUGAR AT MAMATAY PARA SA ATIN.
DI LAMANG SA ATING KASALANAN KUNDI SA KASALANAN DIN NG ATING MGA MAGULANG. AT
DAHIL SA LAHAT NG KASALANAN NA BAWAT TAONG NABUHAY SIYA NGA AY NAPAKO SA KRUS,
NAMATAY NGUNIT SIYA AY NABUHAY NA MULI. AT DARATING ANG ARAW NA GAGAWIN NIYANG
BAGO ANG LAHAT NG BAGAY.
11. Ngayun maaari nating sisihin sina Adan at Eva dahil sa kanilang pagsuway sa
utos ng Diyos ngunit kung tayo lamang ay magiging tapat sa ating mga sarili,
sasabihin nating tayo man ay nakagawa ng maraming kasalanan at paglabag sa utos
ng Diyos. Ang mga kamalian ito ay tinatawag ng Bibliya na kasalanan, at sinasabi
rin na "ang lahat ay nagkasala", hindi lamang sina Adan at Eva ang
nangangailangan ng pangako ng Diyos - na siya mismo ang umako ng kasalanan at
kamatayan na dapat para sa atin.
12. Di ba nakakagilalas, na inako ng Diyos ang kasalanan ng tao. Siya ay
nagkatawang tao at tinawag na Jesu-Cristo - para sa bawat isa sa atin. Sa
kanyang buhay dito sa lupa ay ipinakita niya kung papaano maaaring mabuhay ang
tao ng tama. siya nga ay namatay ngunit sa ikatlong araw siya ay nabuhay ulit sa
mga patay, na nagpapatunay na siya ay matagumpay sa kamatayan mag-pakailanman.
Na ipinakikita rin sa atin, na si Satanas ay nagpapanukalang sirain ang katauhan
ay isang malaking kabiguan. Sapagkat si Jesus ay darating muli, at gagawin
niyang bago ang lahat ng bagay. At hindi niya papayagan ang sinumang ay
mapahamak ngunit ang bawat isa sa atin ay makita ang ating pagkakamali, at
humingi ng kapatawaran. May ilang tao ay ayaw tanggapin kung ano ang sinasabi ng
Bibliya, ngunit nais kong ipaalam sainyo ang ilang mga bagay na napakahalaga sa
ating pagkaunawa sa pangako ng Diyos sa atin.
13. Tingnan nyo ito:
" Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na
tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng
kalikuan." (pwede nyo itong tingnan sa 1 Juan 1:9 (malapit sa katapusan ng
bagong tipan) Pero paano ba natin masigurado na tayo kasama sa mga pangako ng
Dios?
14 ito ay simple lamang. Napakasimple na kahit ang isang munting bata ay
makakaunawa, ngunit maraming matatanda na di maintindihan. Ating nakita na
naniwala si Eva kay Satanas, at ang sumunod nito ay ang pag suway niya sa utos
ng Diyos. Sa paniniwala kay Satanas, si Eva ay di naniwala sa Diyos. Ngayun,
papaano tayo makakasama sa pangako ng Diyos?
15 sainyong hulaan din na totoo. Mayroon tayong paniniwala sa Dios. Lalo tayong
maniwala sa pangalan ni Jesus (Dios) Baket yan ang pangalan? Dahil ang pangalan
ni Jesus ay napakahalaga, Niligtas nya ang tao sa kanilang mga kasalanan. Iyan
lahat? Iyan lahat.
Tingnan nyo ito: "Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan,
na binigay nya ang kaniyang bugtong na anak, upang ang sinomang sa kanya'y
sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
(Juan malapit sa unahan - ikaapat na aklat sa bagong tipan)
16. Sa ngayun ito ay nasa atin na. Kung di tayo maniwala sa ngalan ni Jesus,
kung ito, kung hindi tayo maniwala sa katutuhanan na ang buong misyon ni Jesus
na iligtas ang sinuman sa nagkasala, na ibalik sa atin ang kanyang wangis at
ibigay sa atin ang buhay na walang hanggan, di natin matatamo at makakapunta
duon sa bagong lupa na inihahanda ng Diyos sa atin.
17. Pero kung tayo maniniwala sa pangalan ni Jesus - kung tayo maniniwala na
meron syang pangako na gagawin lahat ng bagay ay bago kasama tayo at ibibigay sa
atin ang buhay na walang hanggan at ibabahagi nya ang bagong lupa at ibibigay
nya sa atin dahil sa ating paniniwala at pagtiwala sa Dios at dahil din sa
kanyang pagmamahal sa atin ibibigay Nya ang buhay na walang hanggan.
18. Bago ipabahagi ang mundo na ginawang bago, Gusto ng Dios sa atin na piliin
natin na purihin Sya at maniwala sa Kanya. Sa aklat ng Juan chapter 3 at
Bersikulo 3 hanggang 7 masasabi natin ang pagbabagong ito ay parang kagaya ng
bagong panganak - bagong buhay, bagong pag-asa, bagong katahimikan sa ating puso.
Ang pagbabalik na kompleto - malalaman natin kung ano ang tama at gusto natin
ang gawin ang tama.
19. Ngayon mayroon mga bagay na marami. Kunin ang pinakamabuti at mabuti. Sa
pagbabagong ito ng direksyon ang Dios may pangako (at ito ay para dito at ngayon)
na bigay sa atin bilang regalo at ng kanyang kabutihan. Pag-ukulan ng pansin
itong nakakagulat na paglalahad, " Datapuwa't ngayon bukod sa kautusan
ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga
propeta; sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagkat
walang pagkakaiba."
20. kailangan patamaan kayo ng tama? Ang ibig sabihin nito kung tayo may
paniniwala sa Dios (at mayroon tayong tanyag na paniniwala na tawagin ang
Kanyang Pangalan) ibibigay nya sa atin ang Kanyang kabutihan sa pamamagitan ng
tiwala. (tiwala ibig sabihin pananalig, kundi ibig man sabihin na tayo
maniniwala hindi lang sa salita ng Dios kundi sa Kanyang gagawin na sinabi na
gusto nyang gawin).
21. Tandaan ito:
"Datapuwa't nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikibaka
laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng
kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap." Mga taga Roma 7:23
Punahin masyado:-
"Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at
ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios." Efeso 2:8
22. Nung tayo niligtas ng Dios at binago nya ang ating buhay, hindi lang Niya
tayo pinatawad ng ating kasalanan at binigay Niya bilang regalo ang kanyang
kabutihan. Ngunit ibibilang Nya na ilagay sa ating mga puso ang tunay na
pagnanasa ang Kanyang gawain. Siyasatin ninyo ito sa aklat ng Exudos 20:1 to 17
at sa Mateo chapters 1,5,6 and 7. kung inyong masiyasat itong mga chapters na
ito aking imumungkahi sa inyo na basahin ang aklat na Juan (malapit sa katapusan
ng Bagong Tipan). Sa panahon na iyan inyong magugustuhan na at pakikinabangan
kung ano ang kayaman ng dibdib na mayroon kayo at inyo na itong magugustuhan at
kayong mawiwili ng mawiwili at malalaman nyo kung ano ang gusto ng Bibliya saiyo.
23. Ating nasabi ang Dios mayroon sadya na gagawin lahat ng bagay ay bago. Kung
inyong gustong magtanung, "kung kaylan ang bagay na iyan? Aking imumungkahi na
inyong hanapin ang inyong sagot sa Mateo chapter 24, Juan 14:1-3, 1 tesalonica
4:14-18 at 2 timoteo 3:1-5, gumamit ng senyal sa paghanap ng lugar nitong aklat
kung inyong kailangan. Itong bersikolo ay sorpresa sainyo, ngunit sila ang
pwedeng sumagot sa inyong katanungan at maniniwala kayo na si Jesus ay babalik
sa anuman oras.
24. Kung ikaw nga ay maniwala kay Jesus at tanggapin mo ang buhay na walang
hanggan, lagi mo ngang ipasakop ang iyong buhay sa Diyos araw araw - hingin mo
nga sa kanya ang tulong upang magawa ang tama - na ibigay saiyo ang kanyang
katapatan. At sa huling bagay na iyong gawin sa iyong pagtulog sa gabi,
pasalamatan siya sa kanyang kabutihan at kung sakaling ikaw ay nadapa at
nakagawa ng kasalanan, humingi ng tawad sa kanya. Ikaw nga ay mamamangha sa
kagilagilalas na kung papaano niya mababago ang iyong buhay. Bibigyan ka niya ng
kapayapaan at katahimikan ng pag iisip, at pagtitiwala sa Kanya. Pag-aralan
mabuti ang bagong pananampalataya kay Jesus sa pag-basa ng Bibliya araw-araw.
25. Ngayon ito ang isang kahuli-hulihan iminumungkahi. Itong magandang balita na
ibinigay ko sainyo ay para sa lahat ng tao. Kung gusto nyong dagdagan ang tunay
na kasiyahan na tahimik na inyong natagpuan, humanap ng tao araw-araw na ibahagi
kung ano ang ginawa ng Dios sa iyo.
Pagpalain kayo ng Dios.
G.S Board
Copyright © G.S. BOARD 28 July 2003 All rights reserved
Translated from English by Erlinda Broad
Maligayang bagong Araw